Paano Mahihikayat ang mga Estudyanteng
Pilipino na Mag-aral ng Wikang Chinese?
I.PANIMULA
A.
PANUKALANG PAHAYAG
Nahihikayat
ang mga estudyanteng Pilipino na mag-aral ng wikang Chinese dahil sa magandang
ekonomiya nito.
B.
INTRODUKSIYON / PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Sa
mahigit 5,000 taong tanda ng China tila isang panaginip ang nangyari, nagkatotoo ang sinabi ni Napoleon Bonaparte, Emperador
ng France noong 1804-1815 na, “ mayroong natutulog na higante sa silangang
bahagi ng Asya at kapag nagising ito ay mabubulaga ang mundo.”
Ayon sa China Daily Asia Weekly, mula high school hanggang
manggagawa sa komersiyo na ang demand ng wikang Chinese ay nananalaytay na sa
40 taon subalit ang dating pangulo ng ating bansa na si Ferdinand Marcos ay nilimitahan
ang mga paaralang Chinese na ituro ng matagal na oras dahil ito’y paglabag sa
teritoryo ng Pilipinas.
Nito lang 2009, base sa
ginawang pag-aaral ng International Monetary Fund (IMF), ikalawa sa US ang
China sa may pinakamalaking kita sa pangkalahatang gross domestic product at
higit sa 10 porsyento ang inilawak nito sa pandaigdigang ekonomiya.
Sa kasalukuyang panahon ayon
sa magasing Beijing Review (Disyembre 8, 2011), napakarami ng bansa ang
nagiging interesado na pag-aralan ang wikang Chinese dahil sa estado ng
ekonomiya nito at alam nila na ito ay magiging wika ng higit sa 6.8 bilyong
katao sa buong mundo. Subalit sa kabila ng pagiging papular nito, sinabi ni
Zhang Zhiping (awtor ng magasing Beijing Review) na ang Amerika, Europa at
bansang Hapon ay hindi kinikilala ang papularidad nito sa kasalukuyan dahil alam
nila na nakasaad sa regulasyon ng World Trade Organization (WTO) na kailangan
muna ng China na umabot ng 15 taon upang kilalanin itong una sa ekonomiya.
Taong 2001 lang naging miyembro ng WTO ang China kaya’t sa 2016 pa ito
itatalaga bilang nangunguna sa ekonomiya.
Ayon naman sa librong “China’s Economic Growth
and the ASEAN” na may pamagat na “China's Economic Growth and the ASEAN:
Philippine APEC Study Center Network and Philippine Institute for Development
Studies, Manila, “patuloy sa paglago ang ekonomiya ng China at sinasabing malaki
ang naitutulong nito sa Global Economy. Napatunayan sa Philippine APEC Asia
Pacific Economic Cooperation, isang Study Centre Network, na hindi
lamang lumalago ang bansang China kundi maganda ang potential nito pagdating sa
export and investment.
C. REBYU / PAG-AARAL
Ayon sa
artikulo ni Jose Ma. H. Zaldarriaga na “When West Meets East: Impending Powershift
in the Global Arena”, ang paggising ng China bilang makapangyarihang bansa ay
dala ang pangako sa Silangan at kasamaang pwersa sa Kanlurang bahagi ng mundo. Sinabi
din na ang shifting power ay ebidensya sa kung paano sila nagiging patas sa
pandaigdigang krisis sa pinansiyal, ito ay naging sentro ng reaksyon sa dalawang
panig na hindi matanggap ang pagiging una ngayon ng China. Subalit, marami sa
ekonomista sa mundo ang sumang-ayon na ang China ang mas may magandang market.
Gayunpaman, base
sa ethnologue survey (2009), isang malawakang sanggunian ng wika sa mundo ay
may 1.3 bilyong katao ang nagsasalita ng wikang Chinese o katumbas ng isa sa
limang katao sa mundo ang makakausap mo sa wikang ito.
Mula
naman sa importanceoflanguage.com na may pamagat na "Importance of Chinese
Language-Why study Chinese?", ang wikang Chinese ay isang magandang
tuntunin upang makapasok sa ekonomiya ng China at makasalamuha ang 1.3 bilyong
katao sa mundo. Isang patunay dito ay si Aniela S. Dizon (Nin Hao magazine) na
nanalo sa isang patimpalak na may kinalaman sa wikang Chinese na ginanap sa
Beijing noong nakaraang taon lamang. Ayon sa kanya, masaya siya dahil
makakausap niya ang one-fifth na populasyon ng mundo at nabigyan siya ng
pagkakataon para makisalamuha sa mga ito dahil alam niyang hindi lamang sa
China may mga nag-aaral ng wikang Chinese kundi maging sa Amerika at Europa,
kaya’t malawak na atmospera ang kinabibilangan niya.
Mula sa www.makingitfuninthephilippines.blogspot.com
na may pamagat na "It’s Time to Encourage Mandarin for Filipinos” na ayon
sa awtor ng blog na si Sean Akisuki, ang Pilipinas ay maaaring makipag-ugnayan
sa China sa pamamagitan ng wika upang malutas ang kinakaharap ng Pilipinas sa
larangan ng pagpapalawak ng ekonomiya nito at upang higit na magkaroon ng
mabutihang transaksiyon.
Sinasaad sa quora.com/benefits-of-learning-chinese
ang malaking gampanin ng China sa larangan ng
oportunidad. Gayundin sa childbook.com/Why-Learn-Chinese? na ang nangungunang
dahilan kung bakit marami ang nag-aaral ng wikang Mandarin ay dahil mahalaga at
kailangan ito sa mundo ng kalakalan.
Ayon
naman sa www.bu.edu/micl/home/why-study-chinese/ ang wikang Chinese ay mahalaga
sa karera ng bawat indibidwal dahil nangunguna sa listahan ng mga kompanya ang
higit na kinukuha ay ang mga nakakapagsalita ng higit sa isang wika lalo na sa wikang
Chinese. Sa pamamagitan ng ideyang tumatalakay sa benepisyo ng pagkatututo ng
wikang Chinese ay mabibigyang-linaw ang mga estudyanteng Pilipino na mag-aral
ng wikang Chinese.
Ang
progreso sa ekonomiya ng China ay nalaman na ng ating kapwa Pilipino. Ayon sa
China Daily Asia Weekly, sinabi ni G. Armin Luistro, Kalihim ng Edukasyon sa
Pilipinas, ang wikang Chinese ay nagiging wika na ngayon nang maraming Pilipino
na nagtatrabaho sa ibang bansa dahil karamihan ay tinutumbok ang mga bansang
gumagamit ng wikang nasabi tulad ng Taiwan, Hongkong at iba pa. Kaya’t hindi
maikakailang mahalaga at kailangan ito ng mamamayang Pilipino sa
pakikipagkomunikasyon dahil maraming bansa sa mundo ang gumagamit na ng wikang
Chinese. Kaya naman isinama ito sa limang wika na maaaring ituro sa
pampublikong paaralan sa Pilipinas. Makatutulong
ang mga impormasyon na nakapaloob sa artikulong ito sa aming pananaliksik
sapagkat ito isa sa maaring dahilan upang mahikayat ang mga estudyanteng
Pilipino na matuto ng panibagong wika.
Ayon sa bu.edu.com na may
pamagat na Why Study Chinese?, ang wikang Chinese ay susi sa napakaraming
oportunidad na binubuksan at inaalok ng mga bansa sa Asya at Amerika dahil
namumuhunan ang mga ito sa China at karamihan sa pinapagawang produkto ay
nakasulat sa wikang Chinese kaya’t naghahanap sila ng Chinese Speaker upang
maisalin ang mga gawang produkto ng China.
Mula naman sa Chineseconnects.com (April 30,
2014) na may pamagat na "Will Learning Chinese Help Me Get A Job? Career,
Development and Importance in China" na tinatalakay na ang pag-aaral ng
wikang Chinese ay mahalaga kaysa sa paghahanap ng trabaho at karera sa iyong
sarili dahil ang pagkatuto ng nasabing wika ay isa sa makakatulong upang
magkaroon ng pagkaka-unawaan ng kultura na magiging dahilan upang magtulungan
ang bawat bansa. Sinasabi din dito na hindi hadlang ang kaibahan ng lahi upang
matuto ng wikang Chinese.
Isa pang babasahin mula sa Beijing Review Magazine
na may pamagat na “Is China A Market Economy?”, ang China ay nasa ikalawang
pwesto pagdating sa International Trademark Application Through the Madrid
System. Ang China sa ngayon ay maganda ang progreso sa kanilang produkto dahil malaki ang
nagiging benipisyo ng mga manggagawa at dumadami ang mga oportunidad sa
pagkakaroon ng trabaho. Ang mga maiaambag nito ay ang sinasabing hindi lang
maganda ang progreso ng China kundi lalo pang umuunlad ang kanilang
market-oriented reforms. Ang impormasyong ito ay makakahikayat na mag-aral ng
wikang Chinese.
Ito ay may kaugnayan sa aspekto ng kalagayan
ng ekonomiya ng Tsina. Sa artikulong “Filipinos Will See How China’s Economy Grown
Tremendously In Asia, sinasabi na ang mga pagkakataong mas pipiliin nilang
pag-aralan ang Wikang Chinese dahil sila ay kilala sa larangan ng negosyo at
pakikipagkalakalan sa iba't-ibang bansa
at ito ay makapagbibigay sa mga Pilipino ng permanenteng trabaho o negosyo.
D. LAYUNIN
Layunin ng pananaliksik na ito na
makapag-ambag sa kaalaman tungkol sa mga dahilan kung bakit nahihikayat ang mga
estudyanteng Pilipino na mag-aral ng
wikang Chinese.
Nais din na maisa-isa ang mga
benepisyong maidudulot ng pagkatuto ng wikang ito at ang maitutulong nito sa
mga Pilipino na pag-aralan ang wikang Chinese.
Gayundin ang mahikayat ang mga
Pilipino na malaman ang estado ng ekonomiya ng China sa kasalukuyang panahon.
Magiging daan din ito sa kabataan upang
mahikayat na magkaroon sila ng interes na
pag-aralan ang nasabing wika.
Nais din ng mga mananaliksik na mag-ambag
ng impormasyon at ideya na maaaring magamit sa mga susunod na pananaliksik na
may kinalaman sa wikang Chinese.
E.HALAGA
Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga
Pilipinong nagnanais matuto ng wikang Chinese. Makikinabang ang mga mag-aaral
na kukuha ng kursong pagtuturo ng wikang Chinese sapagkat maipapakita sa kanila
ang malaking oportunidad na naghihintay sa pagkatuto ng nasabing wika at
mahihikayat ang mga mag-aaral ng Wikang Tsino na paghusayan ang pag-aaral nito.
Makatutulong din ito sa mga
paaralang Chinese na nangungumbida ng mga estudyanteng Pilipino tulad ng mga
mananaliksik na nahikayat lamang ng mga paaralang Chinese dahil sa malawakang
ekonomiya nito at sa scholarship. Gayundin, mahalaga ito sa mga kompanya na
naghahanap ng mga Chinese speaker upang mapa-unlad pa ang mga trabaho na may
kinalaman sa wikang Chinese.
Mula sa pananaliksik ay mabibigyang
diin ang kahalagahan ng Wikang Tsino sa panahon ngayon. Makapaglalaan din ang
pananaliksik ng mga impormasyon na kinakailangan ng mga mag-aaral ng wikang
Chinese at mga ideya ukol sa mahalagang gamit ng wikang ito.
F. KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Ang magandang ekonomiya ng China ay
gagamiting panghikayat sa mga estudyanteng Pilipino upang mag-aral ng wikang
Chinese para makakakuha sila ng magandang oportunidad na makakatulong din sa
ekonomiya.
G. METODOLOHIYA
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng survey
questionnaire para sa mga estudyanteng Pilipino ng Philippine Cultural College upang
malaman kung paano sila nahikayat na mag-aral ng wikang Chinese. Aalamin din
kung alin sa mga salik: pansariling kagustuhan, kagustuhan ng magulang o
scholarship ang maaaring naging dahilan kung bakit sila nahikayat na mag-aral
ng wikang Chinese. Humingi ng kopya ng listahan ng mga Pilipinong mag-aaral sa
Registrar ng paaralan na si Ms. Rona de Guzman. Napag-alaman na bukod sa mga
mag-aaral ng BSE-TCSL, may lima pang estudyanteng Pilipino ang nag-aaral ng
Wikang Chinese na nasa ibang kurso. Kumuha ng siyam (9) na mag-aaral mula sa
kursong BSE-TCSL (Bachelor of Secondary Education-Major in Teaching Chinese as
Second Language). Nagtanong din ang mga mananaliksik kay Ms. Natividad Tiu,
isang propesor na nagtuturo ng Wikang Chinese na kung mayroong estudyanteng
Pilipino mula sa Highschool Department.
H. SAKLAW / DELIMITASYON
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey sa
Philippine Cultural College. Labinlimang estudyante ang kabilang sa sarbey
sapagkat sapat na ito upang makakalap ng impormasyon kung paano sila nahikayat.
Ilan sa mga estudyanteng ito ay mga high school at college na purong Pilipino na
nag-aaral ng wikang Chinese. Kumuha ng siyam (9) na mag-aaral mula sa kursong
BSE-TCSL (Bachelor of Secondary Education-Major in Teaching Chinese as Second
Language). Nagtanong din ang mga mananaliksik kay Ms. Natividad Tiu, isang
propesor na nagtuturo ng Wikang Chinese na kung mayroong estudyanteng Pilipino
mula sa Highschool Department (5).
I. DALOY NG PAG-AARAL
II. KATAWAN
Mula sa artikulong China Economy ng E.W World
Economy na nailathala noong Hunyo 4, 2014 na nagsasaad na ang bansang China ay
pangalawa sa may maunlad na ekonomiya sa lahat ng bansa. Ayon sa GDP (current
prices, US Dollar) at GDP (PPP) na noong 2012 ang GDP (current prices, US
Dollar) ng China ay umabot sa US$ 8.227 trilyon at GDP (PPP) na umabot sa US$
12.405. Kaya’t titignan kung ang magandang ekonomiya ba ng China ang magiging
dahilan upang mahikayat ang mga estudyanteng Pilipino na pag-aralan ang wikang
Chinese.
Gumawa
ang mga mananaliksik ng isang sarbey para sa mga estudyanteng Pilipino ng Philippine
Cultural College na nag-aaral ng wikang Chinese. Nakapaloob dito ang mga posibleng
dahilan kung bakit nahikayat ang mga Pilipinong estudyante na mag-aral ng
wikang Chinese tulad ng pansariling kagustuhan, kagustuhan ng mga magulang, at
dahil sa scholarship. Mula sa ginawang sarbey sa 15 estudyanteng Pilipino,
lumalabas na ang pinakamalaking porsiyento ng sagot ay ang pansariling
kagustuhan at kagustuhan ng magulang dahil sa magandang oportunidad na makukuha
nila tulad ng pagkakaroon na magandang trabaho na makakatulong upang tumaas ang
kalidad ng kanilang pamumuhay. Ayon sa isang mag-aaral na high school ng
Philippine Cultural College na purong Pilipino, pinag-aral siya ng kanyang mga
magulang ng wikang Chinese dahil ang mga ito ay negosyante na
nakikipagtransaksyon sa mga Chinese.
Mula sa mga sagot na nakalap ng mga
mananaliksik, lumalabas na pare-pareho lamang ang magiging resulta ng pag-aaral
ng wikang Chinese kahit pansariling kagustuhan man, kagustuhan ng magulang o
scholarship. Ayon na rin sarbey, nag-aaral ang mga estudyante ng wikang Chinese
dahil inaasahan nila na magkakaroon ng magandang oportunidad sa hinaharap.
Nakapaloob sa pansariling kagustuhan
na isinulat ng mga estudyanteng Pilipino na nakilahok sa sarbey ang mga dahilan
sa pagpili nila na matutuhan ang wikang Chinese. Ayon sa kanilang isinagot ito
ay pansarili nilang kagustuhan sapagkat alam nila ang estado ng ekonomiya ng
China ,alam din nila na ang pagkatuto ng wikang Chinese ay makapagbubukas sa
kanila ng malalaking oportunidad sa trabaho kapag sila ay nakapagtapos sa
kolehiyo.
Gayundin naman sa kagustuhan ng mga
magulang Ilan sa mga Estudyante ng Philippine Cultural College ay nahikayat na
mag-aral ng wikang Chinese dahil sa kanilang mga magulang.Sinasabi nila na nais
ng kanilang magulang na sila ay matuto ng wikang Chinese sapagkat maraming
trabahong nag-aabang sa kanila kapag sila ay marunong ng wikang ito at isa rin
sa dahilan ay ang kalagayan ng bansang
China ngayon na isa sa mga nangungunang
bansa na may pinakamataas na ekonomiya kaya naman sila ay sumunod sa payo ng
kanilang mga magulang.
Ang iba namang kasagutan ay tungkol sa
Scholarship na natatanggap sa pag-aaral ng wikang Chinese, sinasabi nila na ang
kahirapan sa buhay ang nagtulak sa kanila upang matuto ng wikang Chinese dahil
sa scholarship na inaalok nito sa mga estudyanteng Pilipino at ang mga
benepisyong hatid nito sa kanila gaya na lamng ng pagkakaroon ng magandang trabaho.
SANGGUNIAN
Akisuki Sean, "It’s Time to Encourage Mandarin for Filipinos”, www.makingitfuninthephilippines.blogspot.com
Martin K.A., China Slowdown Biggest Threat to Asia, The Philippine Star, 2015
Morrison W.M., China’s Economic Rise: History, Trends, Challenges and Implications for
the United States, Congressional Research Service, 2014
Wong K.C., The
Chinese in The Philippine Economy, Kaisa Para sa Kaunlaran Inc., 1999
Zaldarriaga J.M., When West Meets East: Impending Powershift in the Global Arena,
Philippine Panorama, pp.10-11, 2012
Zaide Dr. G.F., Contribution of Aliens to the Philippine Economy, Kaisa Para sa
Kaunlaran Inc.
Zhang Zhi Ping, Is China A Market Economy?, Beijing
Review, Disyembre 8, 2011, p.24
quora.com/benefits-of-learning-chinese, childbook.com/Why-Learn-Chinese?
bu.edu.com ,Why Study Chinese?
Chineseconnects.com "Will Learning Chinese Help Me Get A Job? Career, Development and
Importance in China", (April 30, 2014)
No comments:
Post a Comment